Monday, May 8, 2017

Gusto mo ba ng affordable solar-powered house and lot?


Tiarra Premiere model - Sto.Tomas, Batangas
Mahaba na ba ang list ng ating travel goals? Ng relationship goals? Squad goals? OOTD goals? Kung anek-anek pang goals?

YOLO, pero kumusta ang FUTURE GOALS natin?

In short, bili na kayong house and lot. Ang goal ko kasi bentahan kayo. Charot. Nyahahaha.

Solar-powered homes in:

-Sto. Tomas, Batangas
-Silang, Cavite
-Cabanatuan
-Iriga and Legazpi (Bicol) 

(You can check this link to see a quick glimpse of the units: Imperial Homes Corporation Units)

Big electricity savings at no brownout pa. Kasama na ang tiles and room partition sa turnover. Sa iba ikaw pa magpapagawa, bukod pa ang gastos sa monthly mong babayaran. Ito kumpleto na, gamit sa bahay at pamilya mo na lang dadalhin mo.

Only 5k reservation. Araw-araw ang tripping. Araw-araw akong maganda. Hahaha.

I believe it's not nice na magrecommend ng di maganda at di mo naman bibilhin kung ikaw ang buyer. I'm a buyer myself of one of their units (pictured above) in Sto. Tomas, Batangas, and would like to share the sense of fulfilment.  FAQs below regarding the Sto. Tomas unit.

Gaano kalaki?
-36sqm floor area, 40sqm lot area, 2 bedrooms, tiles and partition already included. May Delsey model den, same floor and lot area if mas bet niyo loft type. 

May mas malaki ba?
-If you prefer bigger space, you can also check other units sa Cavite, Cabanatuan, Iriga and Legazpi na solar-paneled pa rin. 

Mura lang naman solar panel e. Tssss
-E san nakalagay yung inyo? Gulong lang nakita ko sa bubong niyo kahapon. 

Single ba?
-Ako ba o yung bahay? Charot. Hindi po e. You can check the other units sa Cavite, Cabanatuan, Iriga and Legazpi. 

Itatayo pa lang?
-Yes. Great things take time. If taeng-tae, you can check ready for occupancy units. 

Buhos?
-Yes. 

Rent to own?
-No. Pre-selling po, meaning itatayo pa lang. Rent to own is just a marketing strategy ng iba, pero pre-selling din ang process. Been there. Hahaha

Kelan lilipat?
-Once okay na ang bahay. Expectations will be properly set once you have decided to reserve a unit, like construction start date and target end date. 

May commission ka ba dito?
-I wonder why we hesitate and feel cheated pag may makukuha ang kakilala natin. If mas bet natin kumuha sa di kilala o di recommended ng kakilala, invest at your own risk. Kung meron mang commission, balato niyo na sa akin dahil may pinapatuka akong mga manok. Charot.

How about condo?
-Ay yayamanin. I can recommend my trusted friends with SMDC to give you quotations. ;)

Through pag-ibig?
-Yes. 

Pwede ipaextend?
-That'll be between you and the homeowners association. Di na daw sakop ng developer. 

Gaano naman matitipid ko sa kuryente?
-May mga nakalipat na doon na 7 pesos na lang ang total Meralco bill. Bongga. Saksak mo lahat ng appliances mo nang sabay-sabay dahil aircon lang ang charged talaga sa Meralco. 

Eh yung sa friend/tita/ate/pinsan/tito/buriko/agila ko ganito ganyan eh. Bakit ito hindi?
-Edi dun ka kumuha.

5k ang reservation? Sa ano ganito lang e.
-Dun ka nga sabi.

Mas mura monthly downpayment sa ano.
-Di ka titigil?

Kasama ka po ba sa bahay?
-Hindi. Wait lang hanapin ko pamalo ko dito.

Parang mabigat ang amortization.
-Hindi lahat ng mukhang mahal sa unang tingin, mahal talaga. (Presyo ng bahay ito, hindi hugot.) There's a difference between complete type and bare type. Complete type po ito, may tiles na and room partition. Bare type is kayo magpapatiles and partition and kung gusto mo personalized. Pero kung hindi, do the math for labor, materials plus your monthly payments. Nakamura ka sa complete. Hindi ko kayo sinesales talk. Those are the same factors I considered before I signed up myself.

O yan ah umenglish english na ko ah. You can send a message me or Yes Land Realty directly for free tour so you can see the units yourself.  I was really accommodated well so I highly recommend them. 

I thank you. 💖


At Kamay ni Hesus - Lucban, Quezon




 

Kung bet mong magdaan ng krus sa Semana Santa, o need mo lang ng quiet sanctuary na may mga puno, sariwang hangin, at mga kumakanta-kantang birds para makapag-isip kung kakapit ka pa o dapat ka na bang bumitaw, perfect ang Kamay ni Hesus sa Lucban, Quezon. 

Holy Family park
From Alabang, sumakay kami ng bus pa-Lucena at 180 pesos ang pamasahe. Ang bababaan mo ay crossing: may magkaharap na Mcdo at Jollibee. Wag niyong tularan si mother, nakakita lang ng Mcdo at Jollibee, bababa na agad e hindi pa pala dun jusko. As usual, sabihin lang kay Kuya konduktor na ibaba kayo sa Kamay ni Hesus, alam na nila yun. 

Pero siyempre hindi nila kayo ibababa sa Kamay ni Hesus mismo. One jeep pa papasok na magpupuno muna. Magready sa sakit ng pwet. Umalis kami ng bahay 5am, may traffic nang konti, at nakarating doon around 9am. But definitely worth it.

Walang entrance fee. Pagpasok niyo ay bubungad sa inyo ang mga santo na nakalinya sa daan. Magready sa mga friend mong uusok ang nose sa galit at poot dahil sumasamba ka daw sa bato at semento. 



Malayo ang tingin ni mudra kasi tinatanaw niya ang Via Dolorosa Grotto. Yung pagkagat labi naman ni Pudra di ko sure:


Via Dolorosa Grotto

Ito yung aakyatin. Nakakaoverwhelm no? Ganun naman talaga kahit sa buhay, pag tiningala mo yung success, parang nakakaoverwhelm yung kailangan mong daanan. O di ba biglang naging inspirational? Hahaha



Yung parang gusto mo nang sumuko sa kada station of the cross na nadadaanan mo kasi mainit. Patigil-tigil ka rin kasi nakakapagod. 





Nakakauhaw. Nakakagutom. Basa kili-kili. Nagkakapaltos na rin. Wag tularan ang nagconverse. Hahaha


Nakakaoverwhelm pero sobrang fulfilling pag narating mo na yung pinakataas. 

Being repainted that time kaya may mga kawayan

Tignan niyo mukha ni mudra. Fulfilled di ba?

Matapos yung taas ng inakyat mong yun bababa ka ba agad-agad? Siyempre lulubus-lubusin mo na ang pagtanaw sa Lucban:



Masarap ireminisce yung pinagdaanan mo noon bago nagtagumpay para di lumaki ulo mo, because you'll always be reminded na nasa baba ka rin noon. Magsisilbing inspiration yun to learn more, improve yourself more and work harder para hindi ka na mapunta sa baba ulit, dahil alam mo kung gaano kahirap umakyat:




Pero sa Kamay ni Hesus kailangan mong bumaba ah. Hahaha. Syempre uuwi ka para maishare sa mga gusto rin umakyat kung paano ka nakapunta at nakaakyat dun sa taas. Just like now, sinulat ko ito so I can share our experience and inspire others na pumunta rin kasi maganda talaga doon, at may healing mass pa sa healing church. 



Pagbaba namin, di kami agad umuwi para maishare sa mga gusto rin umakyat kung paano kami nakapunta at nakaakyat dun sa taas. Hahaha. Pinuntahan din namin yung iba nilang facilities para mas marami kaming maishare, kayo naman.

Nagpunta din kami sa Noah's Ark. Sa loob niyan may rooms for retreat pero di kami pumasok:


Ito yung Sea of Galilee. May mga koi na pwede pakainin. Bibili lang kayo ng fish feed dun sa isang booth malapit dun. Sa mga walang ulam, bawal po hulihin okies.





Nandun din yung replica ng mga hayop na sumakay sa ark pero sorry di ko nakita replica ng ex mo dun e.






Ito yung Garden of Eden. Maraming butterflies, at meron ding picnic tables around the area kaya pwede kayong magdala ng food at dun na lang kumain para tipid:





Near the garden pwede ka magsindi ng mga kandila. May store dun na mabibilhan ng candles to accompany your prayers:


Here are the meanings for each candle color:


Meron silang family candles na nasa isang pack na lahat ng colors:



It's a great feeling to light these candles with your family, but since lima yung candles at apat kami, dalawa yung sa akin, tutal naman ako nagbayad. Hahaha. Nakalimutan ko nga lang po kung how much yung candles sorry:


Namili din kami ng kaunting souvenirs like t-shirts, ref magnet at key chains. Yung souvenir shops nasa gilid ng healing church, malapit sa paanan nung Via Dolorosa Grotto na inakyat namin kanina. Aside sa souvenir shops, meron ding mga magkakatabing kainan dun kung di niyo bet magbitbit ng food.

Nung pauwi na kami saka namin napansin yung Luklukan ni Maria. Nasa bungad din siya bago yung mga santong gawa sa bato at semento, pero sa kabilang side. Sabi ni mudra, siguro daw ito yung naunang itinayo bago yung Via Dolorosa. Meron din kasing stations of the cross:




Unlike sa Via Dolorosa na si Jesus yung nasa tuktok, dito naman si Mama Mary. Luklukan nga ni Maria eh. Magulat ka kung si Joseph andun di ba? Hahaha. Pero nagulat pa rin kami kasi may aso sa taas bes! Pagkapic ko nito bumaba na kami. 


So far, masaya ang aming experience. Kahit more-more akyat, nakakarefresh ng kaluluwa. Nagchowking kami after, pero kung malaki ang budget sa food, I suggest i-try niyo yung Air Summit Gourmet, yung airplane na ginawang resto. 600 pesos up per head ang mga food, and inside siya ng Kamayan sa Palaisdaan complex. Madadaanan siya on the way to Kamay ni Hesus. Di namin natry kasi di ko learn na dun pala yun. Akala ko Quezon City, Quezon Province pala. Hahaha. Try namin pagbalik doon and will definitely write about it after. Anyway, wala naman sa presyo ng kinain yun. Priceless pa rin na sabay-sabay lumafang ang buong pamilya:


Galit na galit nanaman ang aso naming si Xander dahil di siya sinama. Inihian niya yung taas namin at ayaw pakarga kay mudra. 


For more inquiries, like mass schedules, retreat, overnight stay, etc. you may check their website: Kamay ni Hesus official website ðŸ˜„

Ingat po papunta. I thank you. ðŸ’–



Sunday, April 9, 2017

Walang Forever

Nung may Forevermore, walang forever. Ngayong Pangako sa'yo, promises are meant to be broken. Ito ampalaya, igisa niyo. Hahaha. xD
May forever. Never let the beautiful concept of love become distorted dahil lang sa minsan kang nakapagwelcome ng maling tao sa buhay mo. Hindi naman yung haba ng tinakbo ng relasyon ang tinutukoy ng forever, kundi yung lalim ng feelings na ininvest mo sa tao. Kung love talaga ang naramdaman mo, forever kang may feelings sa tao na yan present mo man siya, past na, o minsan pa nga wala namang naging relasyon in the first place. You still care to some extent and feel something at the pit of your stomach when you hear the person's name. He or she will always be special.
Pumapasok ang walang forever pag napagkamalang love ang infatuation o lust na tumatagal lang ng weeks o months. Nahihirapan ka magmove on dahil you're under the impression that it was already love but it's actually just out of frustration na di siya nagtagal the way you initially intended it to be. Wag isisi sa forever kung di tayo marunong magdifferentiate sa dalawa.
Kaya mo lang nasasabi na walang forever ay: 
1. Naoverwhelm lang kayo sa atensyon na nakuha niyo sa isa't isa kaya akala niyo love na, o isa sa inyo love talaga nafeel pero yung isa infatuation o lust lang, kaya di kayo nagmeet halfway. O baka parehas lust.
2. Out of sheer bitterness sa naunsiyaming pag-ibig dahil nagloko yung isa o di lang talaga nagclick ang mga pagkatao niyo. 
3. Single ka tapos yung mga nakapaligid sayo may partner lahat. Di ka marunong maging masaya para sa kapwa mo. Bad yun. Wag ganun.
4. Sadya lang talaga na wala kasing nagtatagal sayo. It's not walang forever, it's you. ^_^v #hard
May forever kasi you feel that what you have right now is for keep, and worth fighting for. If you did not end up together because of things that are already beyond your control, at least once in your life you felt how forever was like. That cloud 9 feeling na parang di na siya mag eend. ^_^
Sa promises naman, there are 3 types: natupad, delayed pero natupad pa rin, at yung nganga. Baka laging nganga pa lang kasi naexperience mo. Maybe it's about time to trust actions before the words. Never believe the words until they have materialized. Hindi sa wala kang tiwala sa tao, pero panahon na para solusyonan ang pagdami ng populasyon ng mga paasa sa pamamagitan ng pagbawas sa populasyon ng mga umaasa. Walang paasa kung walang umaasa, parang walang manloloko kung walang paloloko lang ang peg. Maaaring wala na ang true essence ng promises sa panahon ngayon pero may mga tao pa ring big deal pa ring tumupad sa mga binitawan nila, wag natin silang idamay. Inaano ba kayo.
At ang forever at promises applicable din yan sa family at friends na love ka din. Wag puro dyowa. ^_^
Sa kaibigan ko nga palang nagtanong kung ang road to forevermore, dumadaan ba sa Bridges of Love, para sa'yo 'to. Hayup ka.
I, thank you.